
Mainit na sinalubong ng mga taga Argentina ang Kapuso actress na si Andrea Torres.
Unang araw pa lang ng kanilang pagta-trabaho, kitang-kita na masaya at proud si Andrea na mapabilang sa Pasional, ang pelikula kung saan makakatambal niya ang Argentine na si Marcelo Melingo.
Tulad ni Andrea, isang staple na figure rin si Marcelo sa larangan ng showbiz sa Argentina, na may mahigit tatlong dekadang experience sa pag-arte.
Sa Pasional, gagampanan ni Andrea ang karakter ni Mahalia, isang tango dancer at miyembro ng jury ng International Tango Dance Festival. Si Marcelo naman si Norberto, isang biologist. Ang pelikula ay co-production ng Filipino producer, Argentine producer at GMA Network.
Ayon kay Andrea, "feel at home" na siya sa Argentina kahit ilang araw pa lang siyang nandoon.
Saad niya, "I'm good, I'm very excited. Masaya akong nandito ako, I'm happy to be here.
"I think the similarities that [Argentina] has with our country is the people, the feel of the place, that's why it didn't take a lot for me to adjust because I really felt like I'm at home."
Panoorin ang kanyang TV interview dito:
Ayon sa reports, binabalak din ng direktor ng pelikulang si Francisco D'Intino na magkaroon din ng shoot sa Pilipinas.