
Iniaalay ng batikang aktres na si Geneva Cruz ang kinabibilangan niyang teleserye na Little Princess sa kanyang inang si Marilyn Cruz na yumao noong April dahil sa COVID-19.
Kuwento ni Geneva, ang kanyang ina ang laging nagkukumbinsi sa kanya na magbalik sa paggawa ng teleserye.
"My mom is one of the biggest teleserye fans," pagbabalik tanaw ni Geneva sa report ni Cata Tibayan sa 24 Oras.
"At talagang sinabi na niya 'yan, pagbalik pa lang namin nung January of 2020, 'Gen, gagawa ka na ba ng teleserye? Ang tagal naman ng teleserye.' Alam mo 'yung talagang nag-iintay siya? So i'm sure, siya ang pumapalakpak sa heaven," dagdag pa niya.
Makakasama ni Geneva sa Little Princess sina Jo Berry, Juancho Triviño, at Rodjun Cruz.
Bibida rin dito sina Angelika Dela Cruz, Jestoni Alarcon, Jenine Desiderio, at Tess Antonio.
Ayon kay Geneva, kalabiktaran ng kanyang personalidad sa totoong buhay ang gagampanan niya sa Little Princess.
"Ang papel ko rito sa Little Princess medyo mabigat. Laging galit, laging iritado. It's like the complete opposite of who I really am," ayon pa sa kaniya.
Kabilang din sa Little Princess sina Therese Malvar, Kaloy Tingcungco, at Gabrielle Hahn.
Abangan ang Little Princess, malapit na sa GMA Afternoon Prime.