GMA Logo Aiai Delas Alas
Image Source: msaiaidelasalas (Instagram)
What's Hot

Celebrities greet Aiai Delas Alas on her 57th birthday

By Aimee Anoc
Published November 11, 2021 12:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gladys sa umano'y alitan nina Angelu at Claudine: 'Hindi po ako sumasali'
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


Happy birthday, Aiai Delas Alas!

Ipinagdiriwang ngayon ni Comedy Queen Aiai Delas Alas ang kanyang 57th birthday.

Sa Instagram, ibinahagi ng komedyante ang kanyang pasasalamat sa buhay na mayroon siya ngayon. Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Aiai ang mga taong palaging naririyan para sa kanya.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

"Thank you Father God sa buhay na ibinigay ninyo. Salamat po at wala akong sakit at hindi nagkasakit ang aking asawa at mga anak. Salamat po sa trabaho," sulat ni Aiai.

"Salamat po na may nakakain kami sa araw-araw at marami pang dapat ipagpasalamat. I love you po. Amen. And Lord salamat din pala na kahit hindi ako kagandahan artista ako hehe," dagdag niya.

Ibinahagi rin ng komedyante ang natanggap na mga bulaklak mula sa kanyang asawa na si Gerald Sibayan. Ayon kay Aiai, advance gift ito ni Gerald sa kanya.

"My advance birthday gift mula sa mga mamahal. Thank you sa aking asawa na kahit malayo ay hindi nakakalimutan ang pa-flowers -- monthsary man at birthday. [Love you Gerald Sibayan]," pasasalamat ng komedyante.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

Bukod sa mga regalo, nagpaabot din ng pagbati ang ilan sa malalapit na kaibigan ni Aiai sa showbiz.

"Happy birthday maaaammiiiii [Aiai Delas Alas]. Mahal ka namin," pagbati ni Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.

"Happy birthday BF!!!" sulat ni Allan K.

"Happy birthday ate! Stay safe, miss you!" dagdag ni John Vic De Guzman.

"Again... happy happy birthday mama g ko [Aiai Delas Alas]," post ni Kiray Celis.

Samantala, mas kilalanin pa si Comedy Queen Aiai Delas Alas sa gallery na ito: