What's Hot

2021 Christmas Station ID ng GMA Network, inilabas na!

By Marah Ruiz
Published November 13, 2021 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOT, GCash eyeing partnership for easier transactions for tourists
Student found dead with 10 stab wounds in CDO
Farm To Table: Early Noche Buena kasama ang mga Tiktropa

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Network 2021 Christmas Station ID


Star-studded ang 9-minute 2021 Christmas Station ID ng GMA Network na pinamagatang "Love Together, Hope Together."

Napanood na kagabi, November 12, ang pinakaabangang 2021 Christmas Station ID ng GMA!

Unang beses itong inilabas sa flagship news program at sinundan ng upload sa official social media accounts ng GMA Network at maging sa official site na GMANetwork.com.

Star-studded at may habang siyam na minuto ang 2021 Christmas Station ID na pinamagatang "Love Together, Hope Together."

Sa pamamagitan ng nito, nais ipaalala ng GMA Network ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagmamahalan at pag-asa ngayong Pasko, lalo na sa panahon na sinubok ng pandemya.

"Sa panahong patuloy na sinusubok ang ating katatagan, ang pag-ibig ang pinakamagandang regalo na puwede nating ibigay," lahad nina GMA News pillar Jessica Soho at Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

"Kaya naman hinihikayat namin ang bawat isang gumawa ng kabutihan sa ating kapwa," pahayag ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

"Dahil naniniwala kami na sa pagmamahalan muli nating makakamtan ang pag-asa ngayong Pasko," dagdag naman ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.

"Sa kahit na anong paraan, malalaki man o maliit, may kakayahan tayong magbigay ngiti sa ating kapwa," pag-sang-ayon naman ni Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista.

Bukod sa catchy na jingle, isa rin itong saludo sa mga magigiting na frontliner na patuloy na nagbibigay ng 'di masusukliang serbisyo sa pangalawang taon ng pandemya.

"Marami sa ating mga kababayan ang naglaan ng kanilang oras para siguraduhing tayo ay ligtas," lahad ni 24 Oras anchor Mike Enriquez.

"Kaya ngayon tayo naman ang maglalaan ng oras para pasalamatan sila," pagtutuloy ni GMA Kapuso Foundation founder and ambassador Mel Tiangco.

"Sa lahat po mga frontliner, Maligayang Pasko," pagbati ni 24 Oras anchor Vicky Morales.

Paraan din ang "Love Together, Hope Together" para hikayatin ang mga Pilipino na magpabakuna.

Panoorin ang 2021 Christmas Station ID ng GMA Network na "Love Together, Hope Together" sa video sa itaas.

Samantala, silipin din ang ilang sa mga artistang naging bahagi ng "Love Together, Hope Together" sa eksklusibong gallery na ito: