GMA Logo Karelasyon
What's Hot

Karelasyon: Lalaking magnanakaw at manloloko ng maraming babae, isinuplong ng misis!

By Jimboy Napoles
Published November 14, 2021 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rain to parts of PH on New Year
Lake Holon to close temporarily starting January 3, 2026
Attend parties and a grand countdown featuring world-class music icons at this integrated resort

Article Inside Page


Showbiz News

Karelasyon


Timbog ang isang lalaking scammer at manloloko ng maraming babae matapos siyang isuplong ng kaniya mismong asawa.

Nang hiwalayan ni Monette (Diana Zubiri) ang kaniyang asawa, mag-isa na lamang niyang binubuhay ang kaniyang anak. Kaya naman ang kaniyang Ina, to the rescue sa paghahanap ng magiging boyfriend niya sa isang online dating app. Dito nila nakilala ang magandang lalaki, matipuno at ahente ng sasakyan na si Jeffrey (Albie Casiño).

Naging mabait sa kaniya si Jeffrey, pero matapos siyang ligawan nito ay inalok agad siya na kumuha ng magarang sasakyan. Napa-deal naman si Monette, pero ang sasakyan pala na ibinenta ni Jeffrey sa kaniya ay pagmamay-ari na ng iba.

Tinangay ni Jeffrey ang pera na ibinigay ni Monette at dinala sa kaniyang misis na si Ana (Lovely Abella).

Ang pagiging gentleman ni Jeffrey, paraan niya lang pala para manloko at makakuha ng pera sa mga babaeng kaniyang pinapaibig. Pero agad na umaksyon si Monette at inireklamo sa pulisya ang panlolokong ginawa sa kaniya at sa iba pang mga babaeng na-scam ni Jeffrey.

Natunton naman agad si Jeffrey sa tulong mismo ng kaniyang asawa na si Ana. Ang panlolokong kaniyang ginawa ay nauwi rin sa kaniyang pagkakakulong.

Panoorin ang kontrobersyal na episode ng Karelasyon dito:

Abangan ang iba pang kwento ng mga magkarelasyon na nagkaroon ng matinding hamon sa pagsasama sa Karelasyon, kasama ang Kapuso actress/TV host na si Carla Abellana tuwing Sabado, 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA.

Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama anthology.