GMA Logo Tale of the Nine Tailed
What's Hot

Tale of the Nine Tailed: Ang pagbabalik | Week 4

By EJ Chua
Published November 15, 2021 4:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo returns to hometown in Quezon
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Tale of the Nine Tailed


Ano ang mga nangyari sa pagbabalik ng taong-ahas?

Sa ikaapat na linggo ng Tale of the Nine Tailed, muling nagkatagpo ang landas nina Leon at ng taong-ahas.

Mula nang mangyari ang trahedya sa isang kalsadang puno ng kababalaghan, naglaho ang mga magulang ni Gia.

Dahil bata pa lang siya nang mangyari iyon, hindi pa niya lubos na naintindihan kung ano ang tunay na nangyari sa kanilang pamilya.

Nang makilala niya ang nine-tailed fox na si Leon, hiniling niya na sana ay matulungan siyang hanapin at maibalik ang kanyang mga magulang.

Itinago ng taong-ahas ang mga magulang ni Gia sa isang mahiwagang puno.

Matapos ang matagal na paghihintay at paghahanap, natupad na ni Leon ang pangarap ni Gia.

Nailigtas ni Leon ang mga magulang ni Gia at muling nabuo ang kanilang pamilya.

Ang pangarap ni Gia

Sa muling pagsulpot ng taong- ahas, nasubukan na naman ang pagpapahalaga ni Leon sa kanyang mga mahal sa buhay.

Dahil sa nangyari noon sa kanyang first love na si Aida, desidido na si Leon na hinding hindi na niya hahayaang manaig ang kasamaan ng ahas.

Bata pa lamang ang taong-ahas, ay isang bagay lamang ang kanyang nais makuha.

Ito ay ang maranasan din ang tunay na pagmamahal na nakakakamtan ng mga normal na nilalang.

Ang kailangan ng ahas mula kay Gia

Upang puksain ang kasamaan ng ahas, nagsanib pwersa na sina Gia, Ram, Leon at ang iba pa nilang mga kaibigan.

Habang naghahasik ng lagim ang taong-ahas, isang magandang plano ang naisip ni Leon upang labanan ito.

Ginamit nila ang katawan ni Gia upang ipain sa taong-ahas.

Ang paglaban sa kasamaan

Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na kaganapan sa huling linggo ng Tale of the Nine Tailed mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang 'Tale of the Nine Tailed' actor na si Lee Dong Wook sa gallery na ito:

Para sa iba pang Kapuso stories, bisitahin ang GMA Network's official website sa www.gmanetwork.com.