GMA Logo ex battalion
What's Hot

Rap group Ex Battalion, maraming natutunan mula sa mga pinagdaanang isyu

By Nherz Almo
Published November 16, 2021 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

ex battalion


Ayon kay Flow G, ang mga isyu tungkol sa Ex Battalion noon ay "nagturo sa amin na mas maging magkakampi kami sa bawat isa."

Naging mas matatag daw ang grupong Ex Battalion matapos ang pinagdaanan nilang mga isyu noon.

Sa ginanap na press conference para sa kanilang digital concert na Evoluxion, hindi naiwasang matanong ang grupo tungkol sa isyu sa pagitan ng ilang miyembro nila at ni Comedy Queen Aiai Delas Alas.

Matatandaan na noong 2019, sinubukang i-manage ni Aiai ang showbiz career ng Ex Battalion members na sina Bosx1ne, Brando, Emcee Rhenn, Flow-G, King Badger, at Skusta Clee.

Nag-umpisa ang koneksyon ng Ex Battalion o ExB kay Aiai nang magkaroon sila ng collaboration para sa kantang "Walang Pinipili." Kasunod nito, nagsama-sama silang muli sa pelikulang Sons of Nanay Sabel.

Ngunit dahil sa hindi pagkakaunawaan, nauwi rin sa hiwalayan ang grupong ExB at dati nilang talent manager na si Aiai.

Ayon sa ExB member na si Flow G, naging daan ang isyu para maging mas malapit sa isa't isa ang mga miyembro ng grupo.

Aniya, "Ang natutunan po namin diyan is ano, siguro hindi sa lahat ng oras tama 'yung paniniwala namin. Pero 'yun ang nagturo sa amin na mas maging magkakampi kami sa bawat isa."

Nabanggit din niya na sa kabila ng isyu, pinili nilang ipakita ang respeto nila sa kilalang comedy actress.

Sabi ni Flow G, "At saka isa sa mga tinatak namin sa isip namin, kahit anong mangyari ay hindi kami sasagot, kahit alam namin sa ibang bagay may point kami. Kasi, 'yun 'yong magpapakita na respeto 'yung nangingibabaw sa amin. Kaya kahit kailan po, wala kaming sinabi na kahit ano tungkol kay Mama Ai."

"Yun lang naman po ang natutunan namin, mas kampihan namin ang mga sarili namin, mas kailangan pala namin 'yun, mas nagpatibay sa amin."

Sumang-ayon din dito ang co-member ni Flow G na si Brando, "Also, 'yung maging humble ang approach sa kahit na ano. Kasi, 'yung mga issues before, na mayayabang, ganyan-ganyan, wala, isinasantabi na lang namin 'yung mga ganung issues. Para sa amin kasi alam namin kung ano 'yung totoo, kami mismo 'yung nakakaalam kung sino kami and kung ano ang pagkatao namin."

Samantala, sa palagay ni King Badger ay wala namang sama ng loob sa pagitan ng kanilang grupo at kay Aiai matapos ang isyu. Sa katunayan, nakatrabaho pa niya ang comedy actress sa nakaraang GMA Telebabad series na Owe My Love.

Kuwento ni King Badger, "Naka-work ko si Mama Ai after all ng nangyari sa isang teleserye which was Owe My Love sa GMA. She was okay with me, we were talking, parang wala lang nangyari. We were good. Sa tingin ko, kung ganun siya sa akin, ganun din siya with the rest of the boys, parang wala lang pong nangyari."

Samantala, makakasama nina Flow G, Brando, at King Badger ang lahat ng miyembro ng Ex Battalion na sina Honcho, Skusta Clee, Emcee Rhenn, Jroa, Yuridope, Jekkpot, Huddasss, Jnskie, Bullet-D, Cent, at E.I.J sa online concert na Evoluxion sa December 11.

Ang three-hour digital concert ay kukunan sa Araneta Coliseum at iba pang remote locations. Mapanonood dito ang signature hits at mga bagong performances ng grupo sa ilalim ng musical director na si Raul Mitra.

Ilalahad din sa Evoluxion concert ang inspiring rags-to-riches stories ng bawat miyembro ng Ex Battalion at kung paano nila nakamit ang kanilang kasikatan ngayon.