GMA Logo pipay on wish ko lang
What's Hot

Social media star na si Pipay, magbabalik sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published November 17, 2021 11:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

pipay on wish ko lang


Abangan ang pagbabalik ng online influencer na si Pipay sa "Apoy" episode ng bagong 'Wish Ko Lang' ngayong Sabado.

Magbabalik sa bagong Wish Ko Lang ang social media star na si Pipay!

Makakasama ni Pipay sa "Apoy" episode ng bagong Wish Ko Lang sa Sabado, November 20, sina Martin Del Rosario, Faith Da Silva, Maureen Larrazabal, Coleen Paz, at Sharmaine Arnaiz.

Una nang napanood si Pipay sa "To Love Again" episode ng bagong Wish Ko Lang noong Hulyo kasama sina Sanya Lopez, Anjo Damiles, Rita Avila, at Arny Ross.

Ito ang first TV appearance ng online influencer na kasalukuyang may 35.9 million likes at 2.3 million followers sa TikTok.

Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Pipay ang naging karanasan sa set ng bagong Wish Ko Lang. Ayon kay Pipay, nakakahiya man na nagkakamali siya bilang baguhan pero "laban lang."

Huwag palampasin ang nagbabagang episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com

Samantala, alamin kung sinu-sino pang social media stars ang pumasok sa showbiz tulad ni Pipay sa gallery na ito: