
Marami na ang excited sa pararating na kanta ni OPM Acoustic Princess at GMA Music artist Princess Velasco na "Ang Ating Pag-ibig' sa Biyernes, November 19.
Kaya naman labis ang pasasalamat ni Princess sa suportang patuloy na natatanggap mula sa kanyang fans at sa GMA Music.
"Salamat na nariyan pa rin kayo. Maraming nagme-message na nami-miss nila 'yung mga acoustic version ko," pagbabahagi ni Princess.
Ipinangako rin ni Princess sa kanyang mga tagahanga na magpapatuloy siya sa pagkanta at paggawa ng acoustic versions ng mga awitin.
Noong November 16, nailabas na ang teaser ng recording ng bagong kanta ni Princess na "Ang Ating Pag-ibig."
Mapakikinggan ang full version ng "Ang Ating Pag-ibig" sa Biyernes (November 19) sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, GMA Music, at iba pang digital platforms worldwide.
Samantala, mas kilalanin pa si OPM Acoustic Princess at GMA Music artist Princess Velasco sa gallery na ito: