
Isa ang Kapuso actor at host na si Gil Cuerva sa mga kinakikiligan ng maraming manonood dahil sa mga ginampanang leading man role nito.
Unang nakilala si Gil bilang isang alien na umibig sa isang tao sa GMA romantic fantasy drama series na My Love from the Star noong 2017. Nakatambal niya rito ang aktres na si Jennylyn Mercado.
Dahil sa magandang feedback na nakuha mula sa mga manonood, nagsimulang sumikat ang Filipino-Spanish actor.
Nag-sunud-sunod na rin ang kanyang leading roles para sa iba pang Kapuso shows.
Isa na rito ang pagganap niya bilang robot oppa na si Yoon Bin sa Daig Kayo Ng Lola Ko. Siya ang leading man dito ni Grace na ginampanan naman ng Kapuso actress na si Sanya Lopez.
Sa isang interview, unang sinagot ni Gil kung ano pang genre ng shows ang gusto niyang masubukan bilang isang Kapuso actor.
Sagot niya, “I think I can do rom-coms, whatever role, whether it's the leading man or the cameo. Rom-coms kasi are very light and enjoyable shows.”
Kasunod nito, inamin ni Gil na gusto niyang makatambal ang newest Kapuso actress na si Bea Alonzo.
Ayon kay Gil, “It's hard not to mention, si Bea Alonzo, I [would] love to work with her. That would be really great and an honor.”
Dagdag pa niya, isa rin sa gusto niyang makatrabaho sa isang rom-com ay ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith.
Samantala, kilalanin pa si Gil Cuerva rito: