GMA Logo Rhydian Morris in 'Wolfblood'
What's Hot

Meet Rhydian Morris, ang lone wolf ng 'Wolfblood'

By Bianca Geli
Published November 22, 2021 10:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

New Year's 2026 celebration around the world
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Rhydian Morris in 'Wolfblood'


Abangan ang British actor na si Bobby Lockwood bilang si Rhydian sa 'Wolfblood,' tuwing weekdays 8:25 a.m. sa GMA!

KIlalanin ang isa sa mga bida ng Wolfblood, si Rhydian Morris, isang teenager na ulila at nasa pangangalaga ng foster care system.

Bukod dito, hindi niya maipaliwanag kung bakit nag-aanyong lobo siya tuwing nakakaramdam ng matinding takot o galit.

Ito na rin ang naging dahilan kung bakit naging mapag-isa at madalas umiiwas si Rhydian sa kanyang mga nakakasalamuha.

Magbabago ang lahat ng ito matapos niyang lumipat sa bayan ng Stoneybridge. Makikilala niya dito si Maddy Smith na tila nakakaintindi sa kanyang pinagdadaanan.

Ipapaliwanag sa kanya ni Maddy na pareho silang mga Wolfblood--mga nilalang na parteng tao at parteng lobo.

Mga "tame" na Wolfblood sina Maddy at ang kanyang pamilya. Ibig sabihin nito ay itinatago nila ang kanilang mga abilidad--matalas na senses, kakaibang bilis, at pambihirang lakas--mula sa mga tao.

Makayanan kaya ni Rhydian na maging isang tame na Wolfblood?

Ang British actor na si Bobby Lockwood ang gaganap bilang Rhydian. Nakatanggap siya ng parangal na Children's Performer mula sa British Academy Children's Awards noong 2013 para sa kanyang pagganap dito. Abangan siya kasama ang buong pack sa kanilang adventures sa Wolfblood.

Samantala, sa nakaraang linggo ng Wolfblood, tila hinahabol na si Rhydian ng katotohanan at unti-unti nang nabubunyag ang kaniyang lihim. Isang sikreto ang mabubunyag na susubok sa pagkakaibigan nina Rhydian (Bobby Lockwood) Tom (Kedar Williams-Stirling) at Shannon (Louisa Connolly-Burnham).

Abangan ang Wolfblood, tuwing weekdays, 8:25 a.m. sa GMA!

Kilalanin ang cast ng Wolfblood: