GMA Logo Joyce Glorioso
What's Hot

Social Media star na si Joyang, mapapanood sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published November 22, 2021 1:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

JV Ejercito urges Bato to forego salary amid prolonged absence
Telco widens reach with lifestyle-driven promos
"Friendly flagdown" initiative aims to update vehicle plates

Article Inside Page


Showbiz News

Joyce Glorioso


Abangan ang TV debut ni "Banana Queen" Joyce Glorioso a.k.a Joyang sa 'Magkaibigan' episode ng 'Wish Ko Lang.'

Sobrang excited na si 'Banana Queen' Joyce Glorioso a.k.a Joyang sa kanyang kauna-unahang TV appearance sa 'Magkaibigan' episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado.

Nagsimulang makilala si Joyang sa kanyang mga nakatutuwang TikTok at Facebook videos kung saan makikita siyang sumasayaw sa kusina nang walang anumang reaksyon sa kanyang mukha.

Kasalukuyang mayroong mahigit 2.2 million followers at 38.2 million likes sa TikTok, at 544,000 followers sa Facebook ang 'Banana Queen.'

A post shared by Joyce Glorioso 🍌 (@joyangtv)

"Abangan n'yo po ako sa 'Wish Ko Lang' [ngayong Sabado] November 27, 4 p.m sa GMA-7," pagbabahagi ni Joyang sa Instagram.

Mapapanood si Joyang sa 'Magkaibigan' episode ng bagong Wish Ko Lang bilang si Flora. Makakasama niya rin dito sina Rabiya Mateo, Jeric Gonzales, Kim Rodriguez, Sue Prado at Lovely Rivero.

Huwag palampasin ang 'Magkaibigan' episode ng bagong Wish Ko Lang ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, mas kilalanin si 'Banana Queen' Joyang sa gallery na ito: