GMA Logo Tale of the Nine Tailed
What's Hot

Tale of the Nine Tailed: Leon and Gia's happy ending | Final Week

By EJ Chua
Published November 22, 2021 8:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Former Nueva Ecija Mayor nabbed in buy-bust
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Tale of the Nine Tailed


Sa wakas natupad na ang kahilingan nina Leon at Gia.

Umikot sa nakakakaba at nakakakilig na mga eksena ang huling linggo ng 'Tale of the Nine Tailed.'

Bago pa simulan ng nine-tailed fox na si Leon ang pakikipaglaban sa imoogi, hinanda na niya ang kanyang sarili sa posibleng pagtatapos ng kanyang buhay.

Nang makipaglaban na sya rito, sunud-sunod na trahedya ang naganap.

Ilang mortal din ang nadamay dahil sa paghahasik ng kasamaan ng imoogi.

Nalagay rin sa peligro ang buhay ni Gia pati na rin ang mga mahal nito sa buhay.

Maililigtas pa ba si Gia?

Sa huling engkwentro ng gumiho at ng imoogi, isang matinding desisyon ang ginawa ni Leon.

Upang masigurong tuluyan nang maglalaho at mamamatay ang imoogi, ginawa ni Leon ang kanyang plano.

Nagpahulog si Leon sa mapanganib at nakamamatay na lawa at isinama ang imoogi.

Nang magsakripisyo si Leon para sa kaligtasan ng lahat, gumawa rin ng paraan sina Ram at Gia upang mabuhay muli si Leon.

Dahil sa malalim na pagmamahal ni Ram sa kanyang half brother, ibinigay niya ang kanyang buhay para muling mabuhay si Leon.

Ang kahilingan nina Gia at Leon noon ay ang mamuhay sa mundo bilang mga normal na tao.

Nang makuha na ang katawan ni Ram bilang kapalit, nagkaroon ng katuparan ang mga kahilingan ni Gia.

Isang araw, nagulat na lamang si Gia nang makita niyang buhay na buhay si Leon.

Kasunod nito ay ang magandang balita na nabuhay muli si Leon hindi bilang gumiho kundi isa nang ganap at normal na tao.

Ilang panahon lang ang lumipas, nagpasya nang magpakasal ang dalawa.

Dumaan man sa napakaraming pagsubok, nakamit pa rin nina Leon at Gia ang kanilang happy ending.

Samantala, kilalanin sa gallery na ito si Jo Bo-ah, ang Korean actress na gumanap bilang si Gia sa 'Tale of the Nine Tailed.'