
Seryoso sa paghahanda si Rabiya Mateo sa kaniyang mga future projects bilang isang Kapuso.
Si Rabiya ay ang bagong Kapuso na pumirma sa GMA Network ngayong November.
Ayon kay Rabiya, plano niyang sumailalim sa mga acting workshops para sa kaniyang gagawing mga acting projects.
"Acting workshops; Maraming acting workshops kasi gusto ko makilala rin nila ako hindi na Rabiya as a beauty queen. It's not just the face anymore. I want people to see my talent in acting," sabi niya.
Photo source: @rabiyamateo
Ayon pa sa bagong Kapuso, isa sa mga gusto niyang gawin sa GMA Network ay maging isang host.
Saad ni Rabiya, "I'm planning to do hosting. Sana in the future, mabigyan tayo ng talk show kasi I really want to interview people. This time ako naman yung nagtatanong ng mga questions sa kanila."
Sa mga Kapuso hosts, iniidolo niya sina Dingdong Dantes na host ng Amazing Earth at Drew Arellano sa programang Biyahe ni Drew.
Kuwento ni Rabiya, gusto niya ang klase ng programang pinagbibidahan nina Dingdong at Drew. "Kasi I've watched their shows. It's educational which is good kasi I am also very passionate about educating people."
Paliwanag pa ni Rabiya, very relatable sina Dingdong at Drew sa mga manonood at nais niyang maging tulad nila sakaling mabigyan siya ng pagkakataon na maging host sa GMA Network.
"Gusto ko kung paano sila mag-convey ng information. It doesn't sound like they are put in a pedestal. They are very relatable. 'Yun 'yung type of host na gusto kong maging, if ever bibigyan ng project," paliwanag pa ng beauty queen.
Samantala, kilalanin ang bagong Kapuso na si Rabiya rito: