GMA Logo andrew schimmer and wife jorhomy rovero
What's Hot

Andrew Schimmer, humihingi ng tulong para sa asawang may malubhang sakit

By Jansen Ramos
Published November 24, 2021 1:58 PM PHT
Updated November 24, 2021 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

46,000 Catholics join first day of Misa de Gallo in Davao City
'Easiest scam in the world': Musicians sound alarm over AI impersonators
Kelvin Miranda sizzles on the cover of online lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

andrew schimmer and wife jorhomy rovero


Umabot na sa halos tatlong milyong piso ang bill ng maybahay ng aktor na si Andrew Schimmer na si Jorhomy Reiena Rovero na nakikipaglaban sa sakit na severe hypoxemia.

Dumulog ang aktor na si Andrew Schimmer sa social media para humingi ng tulong pangpinansyal para sa kanyang asawa na si Jorhomy "Jho" Reiena Rovero na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na severe hypoxemia.

Nagkaroon ng severe asthma attack si Jho na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia o pagkawala ng oxgyen sa utak.

Ayon sa Facebook post ni Andrew ngayong November 24, tatlong linggo na ang misis niya sa neurosciences critical care unit ng St. Luke's Medical Center sa BGC, Taguig.

Malaking halaga ang kinakailangan para sa pagpapagamot ng kanyang maybahay kaya naman naglakas-loob na siyang humingi ng limos sa mga kasamahan at kaibigan niya sa loob at labas ng showbiz.

"Nangangailangan po siya ngayon ng malaking halaga upang maipagpatuloy po ang kanyang mga medications sa intensive care unit.

"Kaya naman po mapasa hanggang ngayon ay lumilikom po ng pera ang kanyang buong pamilya at mga kaibigan upang matugunan po namin ang kanyang mga medical needs and bills na umabot na po ng halos three million.

"Kaya naman po ako'y kumakatok sa inyong po mga mahabaging puso," hinaing ni Andrew.

Sa statement of account na ipinost ni Andrew sa Facebook, umabot na sa mahigit dalawang milyong piso ang bill ng pasyente sa ospital kaya kahit anong halaga daw ay malugod na tatanggapin ng kanilang pamilya.

Sa mga nais magpaabot ng tulong, maaaring ipadala ang inyong donasyon sa alin man sa mga account na ito:

Ruby Jennifer Rovero (Jorhomy's sister)
GCash: 09173011957
BDO: 004600187507

Jherome Rovero (Jorhomy's brother)
GCash: 09678906366