
Mabilis na nag-trending ang "Di Ko Na Mapipigilan" dance challenge sa TikTok na sinimulan ng OG SexBomb idol na si Rochelle Pangilinan-Solinap. Maraming netizens ang kumasa sa kaniyang paandar. Sa katunayan, ang kaniyang dance video umabot na sa mahigit two million views sa TikTok.
@rocsolinap Good morning!Nahappy ako sa response nyo kagabi. Kaya napasayaw ulit ako.Gawa ako isa pa 😅 post ko soon. Anong order nyo mam ser?! 😝🤣 dc tag 🙌🏻
♬ original sound - RocSolinap
Pinuri rin ng ilang fans si Rochelle dahil sa walang kupas niyang talento sa pagsayaw. May ilan pa na napa-throwback dahil sa hatid na nostalgia ng awitin at ngayon ay isa nang dance craze.
Nagmistulang mini-reunion din ng SexBomb girls ang isang video kung saan pinagsama-sama ang kanilang TikTok videos habang isinasayaw ang nauusong dance challenge. Spotted sa video ang entry nina Aira Bermudez, Jopay Paguia, at iba pang dating kasamahan sa grupo.
@rocsolinap Tnx so much sa support!I love you! @airabermudez @louisebolton27 @jopaypaguiazamora19 @cherryann_panganiban @wengibarra @mhyca.bautista27 @xbombmonic
♬ original sound - RocSolinap
Sa ngayon may nasa one million views na rin ang nasabing compilation video na ini-upload ni Rochelle sa kaniyang TikTok account. Samantala, mapapanood din si Rochelle sa nagbabalik-telebisyon na Ang Lihim ni Annasandra, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime.
Silipin naman sa gallery na ito ang ilang mga larawan ng mga supling ng SexBomb girls: