GMA Logo Arthur Solinap and Bert de Leon
Source: arthursolinap (IG)
What's Hot

Arthur Solinap, emosyonal sa naging pamamaalam kay Direk Bert de Leon

By Aedrianne Acar
Published November 26, 2021 2:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Taiwan says its military can respond rapidly to any sudden Chinese attack
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Arthur Solinap and Bert de Leon


"Ang hirap mag-compose ng message [para] sa'yo, pero no more pain na and kasama mo na si God." - Arthur Solinap

Ramdam ang sakit sa Instagram post ng Pepito Manaloto star na si Arthur Solinap para sa yumao nilang direktor na si Bert de Leon.

Matatandaang inanusyo ng pamilya ni Direk Bert ang kanyang pagpanaw noong November 21 sa edad na 74.

Nagbigay pugay at inalala ni Arthur, na gumaganap bilang Robert sa Pepito Manaloto, ang best memories niya kasama ang Kapuso director.

Ipinost din niya ang ilang larawan kasama si Direk Bert noong nabubuhay pa ito.

Wika ni Arthur, “Thank you for everything Direk! Ang hirap mag compose ng message [para] sa'yo…. pero no more pain na and kasama mo na si God. Sobrang ma-mimiss kita! Lalo na ngayong NBA season, wala na akong kakampi sa Lakers.

“Wala na magte-text sa akin almost everyday to remind me ng time ng game. Lagi ko kukuwento sa inaanak ko kung gaano ka good person ang Daddy nya. Thank you sa lahat ng memories. Labyu Direk!!!!!!!! Cheers!” dagdag ng comedian.

A post shared by Arthur Gonzalez Solinap (@arthursolinap)

Noong Oktubre, nagsagawa sina Rodel Gonzalez, Joey Benin, Lito Fugoso at ilan pang musician friends ni Direk Bert ang isang fundraising event para sa medical needs nito matapos tamaan ng COVID-19.

Ilan sa big stars na na sumuporta dito sina Michael V. at Manilyn Reynes.

Ibinahagi naman ni Bitoy sa kanyang Instagram account ang ilang detalye sa necrological service ni Direk Bert na idadaos ngayong araw.

Source: michael v(IG)

Silipin ang tribute ng celebrities para sa Pepito Manaloto director na si Bert de Leon sa gallery below.