
Kinilala ang aktres na si Yasmien Kurdi bilang Most Remarkable Actress of the Year sa ikatlong Dangal ng Lahi Awards sa Okada Manila.
Sa Instagram, pinasalamatan ni Yasmien ang mga sumusuporta sa kanya mula noong nagsisimula pa lang siya sa industriya taong 2004.
"I feel truly blessed and humbled to be receiving another recognition. Maraming salamat #DangalNgLahiAwards," sulat ni Yasmien.
"Nakakataba po ng puso na mahanay at makasama ang mga taong mahuhusay sa iba't ibang larangan o propesyon," dagdag pa niya.
Kasalukuyang napapanood si Yasmien sa Afternoon Prime drama na Las Hermanas kung saan nakakasama niya sina Thea Tolentino, Faith Da Silva, at Albert Martinez.
Bukod sa successful na showbiz career ni Yasmien, isa rin siyang mapagmahal na ina sa kanyang anak na si Ayesha. Silipin ang buhay pamilya ni Yasmien sa mga larawang ito: