GMA Logo Marian Rivera
Photo source: marianrivera (IG)
What's Hot

Lolit Solis reacts to Marian Rivera as Miss Universe 2021 judge

By Aimee Anoc
Published December 5, 2021 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Massive fire kills 6 in Pakistan’s Karachi, destroys shopping center
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Marian Rivera


Ipinagtanggol ni Lolit Solis si Marian Rivera mula sa "nega vibes" tungkol sa pagiging Miss Universe 2021 judge nito.

Napili si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera bilang isa sa mga judge sa ika-70 Miss Universe pageant na gaganapin sa Israel sa December 12.

Sa Instagram, ipinarating ni Lolit Solis ang saloobin niya sa mga "nega vibes" na nababasa niya tungkol sa pagiging Miss Universe 2021 judge ni Marian.

"Grabe na talaga ang nega vibes sa atin Salve. Iyon napili bilang isa sa judge ng Miss Universe si Marian Rivera na dapat talaga natin ipagmalaki dahil ngayon lang nangyari, umandar na naman ang negatrons," pagbabahagi ni Lolit.

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

Ipinagtanggol din ni Lolit si Marian sa mga nagsasabing hindi "English speaking" ang aktres.

"Issue iyon? So, iyon mga candidates na hindi marunong magsalita at hindi maintindihan [ang] English, bawal? Nag-aral si Marian, nagsasalita ng English, nakakaintindi, ano problema?

"Ang hirap talaga ng maganda, may pogi asawa, may [dalawang] cute na anak, kahit ano kilos, inggit ang umiiral sa marami at iyon iba talagang nasa destroyer mode na, lahat na lang kahit walang kuwentang bagay nakikita," sabi niya.

Ibinahagi rin ni Lolit sa post ang paghanga niya kay Marian sa pagdadala ng mga negatibong feedback tungkol sa kanya.

"Mabuti na lang at marunong magdala ng mga ganitong bagay si Marian, dahil matalino nga, nasasakyan na rin niya na marami talaga ang gusto makita na [masira] siya. Sorry nga lang at talagang pinagpala si Marian Rivera Dantes, habang hinihila pababa, lalong tumataas," dagdag niya.

Samantala, tingnan ang mga eleganteng gowns ni Marian Rivera na likha ng Filipino at International designers sa gallery na ito: