
Isa si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa napiling maging hurado sa nalalapit na Miss Universe 2021 coronation night na gaganapin sa Israel ngayong Disyembre.
Sa pagsisimula ng selebrasyon ng 22nd anniversary ng flagship morning show ng GMA Network na Unang Hirit, nakipag-morning "queentuhan" si Marian sa UH hosts na sina Lyn Ching-Pascual at Suzi Abrera. Dito ay napag-usapan nila ang katangian na hahanapin niya bilang isang hurado sa Miss Universe candidates mula sa iba't ibang bansa.
"Ayokong sabihin na may hahanapin ako kasi parang mas excited ako na pumunta doon para mas ma-appreciate ko at masaksihan ko ang mga kagandahan ng mga kababaihan mula sa iba't ibang panig ng mundo," ani Marian.
Pero bukod sa kagandahan, may isang katangian lang daw na titingnan ang Tadhana host sa mga kandidata.
"Siguro hindi lang 'yung kagandahan nila pero 'yung tapang din nila na maibalik ang humanity sa ating mundo sa kabila ng mga radikal na pagbabagong nangyari sa atin dahil sa pandemya," paglilinaw ng aktres.
Sa ngayon ay excited na raw si Marian na makilala ang 2021 Miss Universe candidates.
"I'm very excited na makilala ko silang lahat," aniya.
Panoorin ang buong panayam dito:
Bilang paghahanda sa nasabing international pageant, kamakailan ay sumalang din si Marian sa isang photoshoot suot ang mga naggagandahang gowns na gawa ng ilang mga sikat na fashion designers sa bansa.
Silipin ang mga larawan sa kanilang naging photoshoot sa gallery na ito: