
Dumalo si Kapuso actress Heart Evangelista sa "19th Annual Asian and American Awards" ng Unforgettable Gala na ginanap sa Beverly Hills, California noong December 11.
Hindi nagpahuli ang aktres sa suot na white dress mula sa koleksyon ni Antonio Grimaldi.
Ang ilan sa mga personalidad na nakasama ni Heart sa nasabing pagtitipon ay sina Cher Calvin, JP Reyes Mallo, Kane Lim, at Toni Ko.
Ngayong taon, kinilala at binigyang parangal ang mga indibidwal na nagtaas sa presensya ng Asia Pacific Islander sa larangan ng arts, entertainment at culture.
Samantala, patuloy na mapapanood si Heart sa GMA Primetime series na I Left My Heart in Sorsogon pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, tingnan ang stylish looks ni Heart Evangelista sa gallery na ito: