GMA Logo dingdong dantes
What's Hot

Netizens excited na sa pagbabalik-serye ni Dingdong Dantes

By Jansen Ramos
Published December 13, 2021 5:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

dingdong dantes


Kumpirmadong mapapanood muli ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa GMA Telebabad.

Kasado na ang pagbabalik-serye ng nag-iisang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Matapos bumida sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) kasama si Jennylyn Mercado, lalabas si Dingdong sa bagong primetime serye na mula sa direksyon ni Dominic Zapata, na direktor din ng local adaptation ng sikat na South Korean drama.

Sa teaser na ipinost ng GMA Drama ngayong araw, December 13, makikita rito na dalawa ang persona ng karakter ni Dingdong: isang lalaking nakasalamin na seryoso ang personalidad at isang lalaki na tila mapaglaro ang ngiti.

Dito ay may nakalagay na mga salitang "There can only be one" at kung kailan ieere ang proyekto sa GMA Telebabad--January 2022.

Palagay ng ilang netizens, mala-South Korean drama na Hyde, Jekyll, Me, na pinagbidahan ng Korean superstar na si Hyun BIn, ang bagong serye ni Dingdong. Sa Hyde, Jekyll, Me, may dissociative identity disorder o split personality ang karakter ni Hyun Bin na si Koo Seo-Jin.

Hula pa ng ilang netizens, gaganap bilang superhero si Dingdong sa kanyang upcoming Kapuso project dahil sa kanyang mala-Clark Kent na hitsura sa poster.

Tumindi rin ang ispekulasyon ng netizens na magkakaroon ng book three ang GMA primetime series Alyas Robin Hood na pinagbidahan ng magaling na aktor.

Ito ay matapos mag-post ang GMA Public Affairs noong December 12 ng larawan ni Robin Hood na hindi kita ang mukha na may caption na "Magbabalik siya sa primetime."

Hirit pa ng ilang fans ni Dingdong, bagay siyang lumabas sa isang psychological drama.

Ano man ang susunod na karakter na gagampanan ni Dingdong on-screen, tiyak na excited na ang fans at viewers ng GMA sa new role ng Primetime King.

Bago pa man mapanood si Dingdong sa bago niyang TV project, balikan sa gallery na ito ang mga pinakatumatak na pagganap ng aktor na lubos na nagpakilala sa kanya bilang Kapuso Primetime King.