GMA Logo glaiza de castro and xian lim
What's Hot

LOOK: Photos of Glaiza De Castro and Xian Lim in 'False Positive' draw 'kilig' vibes

By Jansen Ramos
Published December 16, 2021 5:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

glaiza de castro and xian lim


"Wow akalain mo bagay pala sila," komento ng isang netizen tungkol sa pagtatambal nina Glaiza De Castro at Xian Lim sa upcoming GMA series na 'False Positive.'

"Bagay sila." Ito ang nangibabaw na komento ng netizens nang makita nila ang behind-the-scenes photos nina Glaiza De Castro at Xian Lim sa upcoming GMA series na False Positive.

Ishinare ito ng GMA Pinoy TV sa kanilang official Facebook page kahapon (December 15) at mayroon ng mahigit 5, 500 likes sa social media platform base sa oras ng pagsulat.

Makikita sa post ang isang larawan nina Glaiza at Xian na magka-holding hands, gayundin ang solo pictures ng mga bida ng serye at larawan ng kanilang co-stars na sina Nova Villa, Tonton Gutierrez, Rochelle Pangilinan, Dominic Roco, Buboy Villar, Herlene "Hipon" Budol, Luis Hontiveros, at Yvette Sanchez.

Higit na napansin ang sweet photo nina Glaiza at Xian na gaganap bilang Yannie at Edward sa False Positive.

Ayon sa Facebook user na si Shirley Dungo Venus, napa-"wow" siya nang makita niya ang larawan ng dalawa.

Ganito rin ang naging reaksyon ng isa pang Facebook user na may username na aimah.sultan.25 tungkol sa unexpected chemistry nina Glaiza at Xian.

Bukod sa tambalang Glaiza at Xian, inaabangan din sa False Positive si Hipon.

Sa post, makikita na natatakpan lamang ng fake plants ang mga katawan ni Hipon at ng kapareha niyang si Buboy na tila inspired sa mythical characters ang kanilang roles.

Komento ng netizen na si Marichu Peñaranda Erondo, "Parang comedy. Nakita ko lang sina Hipon, natatawa na ako."

Ang False Positive ay mula sa direksyon ni Irene Villamor.

Nakatakdang ipalabas ang serye soon sa GMA.