
Handa na raw si Max Collins sa sa mas sexy at romantic na roles bilang isang Kapuso.
Sa isang press interview, sinabi ni Max na mas naging confident na siya ngayon sa kanyang sarili matapos na maging isang ina.
"After becoming a mom, I feel like more of a woman. I feel like I've matured so much. And, I never really did anything paseksi. I think growing up in the industry, I was always somewhat wholesome. I feel like it's time to try something new. So that's why I'm trying to empower myself through sexy damit," pagbabahagi ni Max.
Dagdag niya, "Kasi ngayon lang talaga ako naging confident sa sarili ko, sa katawan ko. Ang daming ko nang gustong gawin compared before I become a mom. Now I want to explore different roles and challenge myself."
Ngayong 2022, nais ni Max na tuklasin ang iba niya pang kakayahan bilang isang aktres sa pelikula at mga teleserye. Handa na ring ipakita ng aktres ang mas "sexy" na bersyon ng kanyang sarili.
"Gusto ko talaga gumawa ng films and do another teleserye. Kasi na-enjoy ko siya and I feel like I'm in a good place in my career now. I feel like maybe a sexier me kasi tumatanda na ako.
"I do wanna do sexy role pero syempre malaman 'yung role at maganda 'yung story. I just feel like na it's time for me now na to do more romantic roles. I think kaya ko na."
Samantala, tingnan ang sexiest looks ni Max Collins sa gallery na ito: