GMA Logo Ricci Rivero
Image Source: ricciiirivero (IG)
What's Hot

Ricci Rivero, timeout muna sa showbiz para balikan ang basketball

By Nherz Almo
Published December 20, 2021 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PCO press briefing (Dec. 10, 2025) | GMA Integrated News
2 Kapuso classroom na ipinatayo ng GMA Kapuso Foundation sa Ubay Central 3 ES, pinasinayaan na | 24 Oras
NCAA: Key stats shaping San Beda-Letran Season 101 rivalry FinalsĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Ricci Rivero


Huling proyekto ni Ricci Rivero ang pagbibidahan niyang pelikulang 'Happy Times' bago bumalik sa basketball.

"Nakaka-overwhelm po." Ito raw ang naramdaman ng basketball heartthrob na si Ricci Rivero nang malaman niyang siya ang bibida sa online movie na Happy Times.

Ayon sa writer nitong si G3 San Diego, espesyal na hiling ng UpStream PH producer na si Dondon Monteverde na gumawa siya ng istorya para sa baguhang aktor na si Ricci.

Kaya naman nang malaman ito mismo ng UAAP star athlete, sabi niya, "Noong una parang iniisip ko, 'Do I deserve this?' Noong narinig ko, hindi ko alam kung ano yung mapi-feel ko. But siyempre, I was praying silently na, 'Thank you, Lord. Tulungan mo na lang din ako magawa ko nang maayos, ma-portray ko yung character, mabigay ko kung ano yung gusto ng direktor [Ice Idanan].'”

Ang Happy Times ang ikalawang pelikula ni Ricci simula nang pasukin niya ang showbiz tatlong taon na ang nakalilipas. Una siyang lumabas sa 2018 Metro Manila Film Festival entry na Otlum, sa ilalim ng direksyon ni Joven Tan.

Sa palagay ni Ricci, malaki na rin ang pinagbago niya sa pagiging aktor sa loob ng tatlong taon niya sa showbiz.

Sabi ng 23-year-old actor, "Feeling ko, malaki rin yung improvement ko kasi lahat naman tayo, for sure, we improve naman every day. As much as possible we try to accept yung shortcomings natin, yung mistakes natin in life para ma-correct natin siya. Kasi, if hindi natin tatanggapin, mahihirapan tayong mag-improve as a person.

"Every day naman, kapag may mistakes ako, sinasabihan ko naman yung mga taong kasama ko na sabihan din ako para aware ako kasi wala namang perfect, di ba? Lahat tayo may pinagdadaanan, lahat tayo may masasayang pangyayari sa buhay. Pero, siyempre, kailangan alam din natin how yung the best way to handle it properly."

Marami-rami na rin daw siyang natutunan sa showbiz, at isa na rito ang maayos na pakikitungo sa kanyang mga katrabaho.

Ani Ricci, "Very open lang din ako kung ano yung nasa harap. For example, meeting other people, tina-try ko rin as much as possible talaga to communicate kasi nahihiya po talaga ako kapag hindi ko ganun ka-close or hindi pa ako ganun ka-comfortable sa paligid ko.

"Ngayon, mas tina-try ko na makipag-approach na sa iba lalo na sa work para mas maging close din at mas maging magaan ang trabaho. Di ba, mas masaya ang kalalabasan kapag magkakakilala na kayo? Hindi naman naging mahirap kasi may mga friends din naman ako sa showbiz. Pero yun nga, gusto ko kasi maliit lang ang circle ko, kaya konti lang din yung showbiz friends ko talaga."

A post shared by Ricci Paolo Rivero (@ricciiirivero)

Kitang-kita naman ang pagiging close ni Ricci sa kanyang ka-love team sa pelikula na si Sharlene San Pedro.

Bago pa man ipalabas ang Happy Times, nagkaroon na ng fan base ang pagtatambal nina Ricci at Sharlene, na tinatawag nilang SharCci.

Para sa basketball heartthrob, hindi tipikal na love team ang pagtatambal nila ni Sharlene, "Love team siya pero... Masaya lang talaga, 'tapos naglolokohan lang kami. Not your typical love team."

Ayon naman kay Sharlene, "Feeling ko kaya din nag-work ang aming team up kasi okay kami sa isa't isa. At nagkakaintindihan sa set."

Gayunman, dagdag ng dalagang aktres, "Ayaw naming bigyan ng false hopes ang fans. Sobrang close po talaga namin ni Ricci. Huwag n'yo na lang po talaga kami pangunahan. Haha!"

Samantala, tila ang Happy Times muna ang huling magiging showbiz project ni Ricci dahil magbabalik siya sa kanyang first love, ang pagba-basketball.

Sabi niya, "I'm focusing on basketball. Actually, nasa training camp dapat ako, but then, I went out for this, to watch the film sana.

Dagdag pa niya, "For now, sa basketball muna ako magpo-focus, kasi malaking achievement na naman na natapos na talaga namin ang Happy Times, so matagal-tagal ko muna siyang i-enjoy-in.

“Sana, guys, suportahan niyo ito, kasi babalik muna ako sa basketball kung saan naman po ako talaga nanggaling.”

Samantala, narito ang ilang basketball stars noon na naging bahagi rin ng showbiz: