GMA Logo Krystal Reyes and Eunice Lagusad
Courtesy: krystalreyes08 (IG)
What's Hot

Nasaan na nga ba ang 'Bakekang' child stars na sina Krystal Reyes at Eunice Lagusad?

By EJ Chua
Published December 23, 2021 9:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

14k civilians pass PNP entrance exams, 2,9k cops qualify for promotion
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Krystal Reyes and Eunice Lagusad


Buhay ng “Bakekang” child stars na sina Krystal Reyes at Eunice Lagusad, tampok sa 'Tunay na Buhay.'

Naabutan mo ba ang child stars na sina Jolina Marie “Krystal” Reyes at Eunice “Charming” Lagusad?

Naging tanyag ang kanilang mga pangalan sa showbiz noong 2006 nang ipalabas ang Bakekang sa GMA Telebabad.

Lubos na minahal ng mga manonood ang kanilang mga karakter bilang mga anak ni Bakekang na ginampanan naman ng aktres na si Sunshine Dizon.

Nang maging matagumpay ang kanilang roles sa Bakekang, nagkasama muli sina Krystal at Eunice sa GMA drama series na Princess Charming noong 2007.

Ilang taon ang lumipas, unti-unti nang nagkahiwalay ng landas ang dalawa at bumuo na ng sariling mga pangalan sa entertainment industry.

Nasaan na nga ba sila ngayon?

Ang dating child star na si Eunice Lagusad na nakilala noon bilang si Charming ay ipinagpapatuloy ang kaniyang pag-arte.

Mas nakilala siya ngayon sa kanyang roles bilang best friend ng mga bida sa ilang GMA shows.

Bukod sa pag-arte, nakahiligan na rin si Eunice ang pag me-make up sa kanyang sarili.

Samantalang si Krystal Reyes naman ay tila abalang-abala ngayon sa kanyang negosyo. Isa na rito ay ang pag la-live selling.

Ilan sa mga ibinebenta ni Krystal online ay brand at pre- but well-loved clothes.

Kahit busy sa kanyang online business, paminsan-minsan ay tumatanggap pa rin si Krystal ng mga proyektong pangtelebisyon.

Kahit lubos na magkaiba ang pinagkakaabalahan, isang bagay ang pareho nilang kinahihiligan ngayon, 'yan ay ang vlogging.

Nang maimbitahan ang dalawa sa GMA show na Tunay na Buhay, kapansin-pansin na tila hindi nabawasan ang pagiging malapit nila sa isa't isa kahit matagal nang hindi nagkakasama.

Samantala, tingnan ang ilang detalye sa buhay nina Krystal Reyes at Eunice Lagusad sa gallery na ito: