GMA Logo faith da silva
Photo by: faithdasilva_ (IG)
What's Hot

Faith Da Silva, may pinaghahandaang bagong proyekto

By Aimee Anoc
Published December 23, 2021 7:47 PM PHT
Updated December 23, 2021 8:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

faith da silva


Naiiba sa karakter na si Scarlet ang susunod role na gagamapanan ni Faith Da Silva.

Marami ang patuloy na humahanga sa mahusay na pagganap ni Faith Da Silva bilang Scarlet sa GMA Afternoon Prime series na Las Hermanas.

Sa Facebook live noong December 23 kasama ang Las Hermanas stars na sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, at Jason Abalos, sinagot ni Faith ang tanong ng isa niyang tagahanga tungkol sa susunod niyang proyekto.

Ayon kay Faith, may pinaghahandaan siyang bagong proyekto na ipalalabas sa Enero.

"Mayroon po akong ginagawang show. Iba s'ya roon sa character ni Scarlet kasi ito mas light. I've been watching mga romcom, mga Korean. So, noong nakuha ko itong project na 'to, very excited ako. Sa January na po s'ya ipapalabas," pagbabahagi ni Faith.

Masaya rin ang aktres sa umaapaw na suportang natatanggap mula sa kanyang mga tagahanga.

"I'm very happy na ang comments ng mga tao na nakikita ko sa Las Hermanas ay good pati na sa character ko," dagdag niya.

Patuloy na mapapanood si Faith sa Las Hermanas, Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, tingnan ang naging bakasyon ni Faith Da Silva sa Siargao sa gallery na ito: