
Tiyak na mas masaya ang Christmas celebration n'yo mga Kapuso, dahil siksik ang tawanan ngayong weekend dahil sa hinandang regalo ng pinakapatok at award-winning sitcoms ng GMA-7.
Sa Sabado Star Power sa gabi, samahan sa kuwentuhan sina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) sa pagbabalik-tanaw nila sa kanilang kabataan.
Magtagumpay kaya ang batang Pepito (Sef Cadayona) sa misyon niyang makuha ang loob ng terror auntie ni Elsa (Mikee Quintos) na si Tiyang Lena (Sherilyn Reyes-Tan).
Matulungan kaya siya ni Aling Tarsing (Pokwang) na lumambot ang puso ni Tiyang Lena sa kanya?
Yayain ang buong pamilya para sa perfect bonding sa Christmas night habang nanonood ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
Ituloy ang tawanan sa Pasko sa pagtutok sa unbeatable tandem nina Bossing Vic Sotto at Phenomenal star Maine Mendoza sa Daddy's Gurl.
Sobrang stress ang evil tiyahin ni Stacy (Maine Mendoza) na si Matilda (Wally Bayola), para mahanap ang nawawalang lotto ticket na may dalang suwerte.
Ito na ba ang hinihintay nilang chance para yumaman o maging bato pa ang minimithi nilang limpak-limpak na pera?
Mapapa-ha-ha-holidays kayo sa Daddy's Gurl on December 25, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) hosted by GMA News pillar Mel Tiangco.
Matapos ang Noche Buena at party, mag-relax kinabukasan para sa world premiere ng comeback project ng multi-awarded and highly-respected actor na si John Lloyd Cruz.
Perfect Christmas gift ang pagdating ng single dad and heartthrob na si Julian sa Sunday Grande sa Gabi.
Kasama rin sa phenomenal cast ng bagong Kapuso show sina Carmi Martin, Ashley Rivera, Jenzel Angeles, Jayson Gainza, Vito Quizon, at Miles Ocampo.
Magbibigay good vibes din sa Happy ToGetHer sina Leo Bruno, Kleggy Abaya, Wally Waley, Eric Nicolas, at Janus del Prado.
On duty ang mga paborito ninyong Kapuso comedians at comedienne this Holiday season, para walang patid ang paghahatid ng ngiti sa inyo at sa paparating na Bagong Taon!
Kita-kits sa Sabado Star Power at Sunday Grande sa Gabi this weekend, mga Kapuso!