
Bago pa man niya pasukin ang iba't ibang maternal roles sa pelikula at telebisyon ngayon, nagsimula muna bilang isang child star noon ang celebrity mom at Stories from the Heart: The End Of Us star na si Carmina Villarroel-Legaspi.
Sa kaniyang mahaba at patuloy na karera sa showbiz, may isang bagay daw na natutunan si Carmina, 'yan ang kaniyang ibinahagi sa kaniyang Kapuso Confessions sa GMANetwork.com.
Kuwento ni Carmina, "The greatest lesson that I've learned in this industry is that you cannot please everybody."
Para sa aktres, hindi raw mawawala ang mga taong hindi maniniwala sa kakayahan mo kahit pa mahusay ka na.
"Half of my life nandito na po ako sa showbiz. Kahit magaling ka na, kahit mabuti kang tao, you really can't please everybody. Meron at merong hindi magkakagusto sa'yo and that's okay," ani Carmina.
Payo niya na rin daw ito sa kaniyang nga anak na sina Cassy at Mavy Legaspi na nagsisimula na ring gumawa ng pangalan ngayon sa showbiz.
Aniya, "I've also told that to the twins na chill lang specially kasi ngayon may social media na mas marami na tayong bashers so wag na lang pansinin."
Panoorin ang kabuoan ng Kapuso Confessions ni Carmina, dito:
Kasalukuyan namang napapanood si Carmina kasama ang kaniyang asawa na si Zoren Legaspi sa Stories from the Heart: The End Of Us, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon pagkatapos ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, mas kilalanin pa si Carmina sa gallery na ito: