
Mapapanood na mamaya ang isa na namang handog ng GMA Heart of Asia.
Ito ang Thai romantic comedy drama series na My Husband in Law, na pagbibidahan ng kilalang Thai stars na sina Mark Prin Suparat at Mew Nittha Jirayungyurn.
Makikilala rito ang dalawa bilang sina Sebastien (Tien) at Moira (Moi). Bibigyang buhay nina Mark Prin at Mew Nittha ang kakaibang istorya ng pag-ibig, pagkakaibigan, at pagmamahal sa pamilya.
Inihahandog ng My Husband in Law ang pinakamalaking kasalan na mapapanood ng mga Pinoy sa telebisyon.
The most awaited wedding
Para sa marami, wedding ang pinakaabangang event sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan.
Pero paano kung kailangan mong magpakasal sa taong hindi mo naman mahal? Kakayanin mo bang isakripisyo ang sarili mong kaligayahan para lang tulungan ang isang tao na makatakas sa kanyang nagawang kasalanan?
Pagpapakasal nga ba ang sagot upang matakpan ang isang mabigat na sitwasyon? Ang magkababatang lumaki together, posible nga bang magsama forever?
Ano kaya ang buhay na naghihintay para kina Tien at Moi?
Sabay-sabay nating alamin ang mga kasagutan sa kwento ng My Husband in Law, mapapanood na mamayang 10:20 pm sa GMA.
Para sa iba pang Kapuso stories, bisitahin ang www.GMANetwork.com.
Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: