
"It's not all about FAME and MONEY."
Ito raw ang na-realize ni Ruru Madrid habang tumatagal siya sa industriya ng showbiz. Ibinahagi ng 24-year-old actor ang kanyang mga napagtanto tungkol sa showbiz sa kanyang New Year post sa Twitter nitong Lunes, January 3.
Inamin ni Ruru na ang tanging layunin niya ay kumita ng pera para sa pamilya kaya sinubukan niyang pasukin ang showbiz. Ngunit nagbago raw ito simula nang maging bahagi na siya nito.
Aniya, "Before I entered show business ang gusto ko lang talaga ay makatulong sa pamilya ko. Para maging mas maayos ang buhay namin, mabili ko ang gusto ko at gusto nila. Pero nung naging artista na ko, dun ko nalaman na hindi lang pala dun umiikot ang pagiging artista.
"[It's not all about FAME and MONEY] Oo totoo kumikita po kami ng malaki at hindi po namin ipagkakaila 'yun. Pero hindi lang dahil dun kaya ako nandito. Dito ko nahanap kung ano ba talaga gusto ko gawin, ang PASSION ko at PURPOSE ko sa buhay."
Dagdag pa ng dating Encantadia actor, natutunan rin niyang mahalin ang kanyang propesyon bilang aktor.
"Nahanap ko ang pagmamahal sa pag arte--sa harap ng camera, makapagbigay buhay sa bawat karakter na ginagawa ko at higit sa lahat makapag bigay kasiyahan sa bawat manonood. Being an actor, our goal is to entertain people kaya po kami nasa Telebisyon, Pelikula, Entablado at maging sa Radyo.
"Kaya every time na may napapasaya kami at nabibigyan ng inspirasyon ay sobrang nakakataba po ng PUSO.
"Kaya sa mga tao na nagsasabi na ang trabaho namin ay NAPAKADALI at MABABANG URI, Inyo po sana munang obserbahan at pag-aralan ang aming ginagawa. Dahil hindi po sya MADALI.
Before I entered show business ang gusto ko lang talaga ay makatulong sa pamilya ko. Para maging mas maayos ang buhay namin, mabili ko ang gusto ko at gusto nila. Pero nung naging artista na ko, dun ko nalaman na hindi lang pala dun umiikot ang pagiging artista -
-- Ruru Madrid (@Rurumadrid8) January 3, 2022
(It's not all about FAME and MONEY) Oo totoo kumikita po kami ng malaki at hindi po namin ipagkakaila yun. Pero hindi lang dahil dun kaya ako nandito. Dito ko nahanap kung ano ba talaga gusto ko gawin, ang PASSION ko at PURPOSE ko sa buhay. Nahanap ko ang pagmamahal sa pag arte -
-- Ruru Madrid (@Rurumadrid8) January 3, 2022
sa harap ng camera, makapagbigay buhay sa bawat karakter na ginagawa ko at higit sa lahat makapag bigay kasiyahan sa bawat manonood. Being an actor, our goal is to entertain people kaya po kami nasa Telebisyon, Pelikula, Entablado at maging sa Radyo. -
-- Ruru Madrid (@Rurumadrid8) January 3, 2022
Kaya everytime na may napapasaya kami at nabibigyan ng inspirasyon ay sobrang nakakataba po ng PUSO. Kaya sa mga tao na nagsasabi na ang trabaho namin ay NAPAKADALI at MABABANG URI, Inyo po sana mung obserbahan at pagaralan ang aming ginagawa. Dahil hindi po sya MADALI. -
-- Ruru Madrid (@Rurumadrid8) January 3, 2022
Sa huling bahagi ng kanyang post, nabanggit ng Protege alumnus na minsan na rin niyang naisip na sumuko at iwan na ang kanyang showbiz career. Ngunit nakalilimutan daw niya ito sa tuwing naaalala niya ang mga taong sumusuporta sa kanya.
"Maraming beses na gusto ko na lamang sumuko dahil hindi ko na talaga kaya ang pagod, ang puyat ang pagaalipusta ng mga kapwa natin. But every time na naaalala ko lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko bumabalik ang pag-asa ko na hindi dapat ako sumuko lalo na't ang daming tao na naniniwala sa akin na kaya ko," ani Ruru.
Kaya naman sa huli ay nagpasalamat ang binatang aktor sa kanyang mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanya.
"Muli Salamat sa lahat ng mga Tao na naniniwala sa akin, at pangako ko naman sa inyo na sa bawat gagawin ko ay lalo kong pagbubutihin at ibibigay lagi ang best! God bless Everyone! Happy New Year."
Maraming beses na gusto ko na lamang sumuko dahil hindi ko na talaga kaya ang pagod, ang puyat ang pagaalipusta ng mga kapwa natin. But everytime na naaalala ko lahat ng paghihirap na pinagdaanan ko bumabalik ang Pag-asa ko na Hindi dapat ako Sumuko -
-- Ruru Madrid (@Rurumadrid8) January 3, 2022
lalo na't ang daming tao na naniniwala sa akin na Kaya Ko. Kaya muli Salamat sa lahat ng mga Tao na naniniwala sa akin, at pangako ko naman sa inyo na sa bawat gagawin ko ay lalo kong pagbubutihin at ibibigay lagi ang best! Godbless Everyone! Happy New Year ❤️✨🎉
-- Ruru Madrid (@Rurumadrid8) January 3, 2022
Kamakailan lang ay umani ng papuri si Ruru dahil sa mahusay niyang pagganap bilang isang anak na may mental illnes sa #MPK.
Tingnan ang ilang mga eksena sa gallery na ito: