GMA Logo Faye Lorenzo
What's Hot

Babaeng niloko ng asawa't ina, tinulungan ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published January 4, 2022 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Faye Lorenzo


Ngayong 2022, hatid ng 'Wish Ko Lang' ang bagong pag-asa at simula para kay Irish.

Nasaksihan nating noong Sabado, January 1, ang pagtataksil ng asawa at ina ni Irish sa "Karibal" episode ng bagong Wish Ko Lang.

Dahil sa natuklasang pagtataksil ng sariling asawa at ina, literal na bumagsak ang buhay ni Irish (Faye Lorenzo). Umabot na rin sa puntong nawalan siya ng trabaho at napabayaan ang sarili.

Para tuluyang makabangon, bagong simula ang handog ng Wish Ko Lang at ng Fairy Godmother na si Vicky Morales kay Irish.

Nariyan ang mga bagong kagamitan sa bahay, Media Noche package, at staycation package.

Kasama sa negosyo package ang frozen meat business, beauty business, sari-sari store business, general merchandise store business, at livestock business.

Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ng programa ang susunod na tampok sa "Anak" episode ngayong Sabado, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang sexiest photos ni Faye Lorenzo sa gallery na ito: