GMA Logo anthony rosaldo
Photo by: theanthonyrosaldo (IG)
What's Hot

Anthony Rosaldo, may pinaghahandaang bagong proyekto

By Aimee Anoc
Published January 10, 2022 6:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma makes landfall in Eastern Samar—PAGASA
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

anthony rosaldo


Matapos ang success ng latest single na "Tama Na," excited na si Anthony para sa bago niyang kanta.

Excited na si Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo para sa susunod niyang proyekto sa GMA Music.

Sa press interview, sinabi ni Anthony na may pinaghahandaan siyang bagong kanta ngayon.

"Actually, mayroon akong susunod na song na lalabas. This time, iba naman 'yung nagsulat nito. Siyempre, magiging maganda 'yung kalalabasan nito because I am being helped and guided by GMA Playlist.

"I hope itong susunod na song na ilalabas namin will be also appreciated by everyone," pagbabahagi ng Kapuso Pop Rocker.

Noong November 26 nang ilabas ang pinakabagong kanta ni Anthony sa ilalim ng GMA Music, ang "Tama Na," na base sa sarili niyang karanasan sa pag-ibig.

Kamakailan, kinilala si Anthony bilang Breakthrough Artist of the Year ng World Class Philippines Council.

Ayon kay Anthony, sobrang nagpapasalamat siya sa lahat ng taong sumuporta at naniwala sa kanyang kakayahan.

"Sobrang grateful ako. Having this award, nagkakaroon tayo ng pag-asa para sa sarili natin. Nagkakaroon din tayo ng chance na ma-inspire pa 'yung ibang tao," sabi niya.

Nakilala si Anthony nang sumali sa "Spogify feat Singing Baes" segment ng Eat Bulaga noong 2015. Sinubukan din ng Kapuso Pop Rocker ang suwerte niya nang sumali sa The Clash Season 1 noong 2018 kung saan napasama siya sa mga finalist.

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo sa gallery na