GMA Logo Kapuso Mo, Jessica Soho
What's Hot

KMJS: Alyas 'Baby Face' na totoy sa Palawan, apat na ang naging kasintahan

By Jimboy Napoles
Published January 11, 2022 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang empleyado, naranasang maging Christmas party performer noong bagong hire sila
Visually impaired soldier promoted from captain to major
Farm to Table: (December 14, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso Mo, Jessica Soho


Kahit pa apat na ang naging karelasyon niya, huwag daw kainggitan si alyas "Baby Face," at kung bakit? Alamin DITO:

Mabilis na nag-trending sa Facebook ang feature story ng Kapuso Mo, Jessica Soho kamakailan tampok ang isang totoy sa Narra, Palawan na nakaapat na ng karelasyon dahil sa kanyang pagiging baby face na nakilala ng programa bilang si Ralnhero Dacasin.

Bukod sa marami ang naalarma na pabata na raw nang pabata ang mga nakikipagrelasyon ngayon, marami rin ang naintriga sa kuwento ni Ral.

Sa katunayan, umabot na sa mahigit 6 million ang views ng feature story sa Facebook at patuloy pa na umaani ng mga reaksyon mula sa netizens.

Sa panayam ng KMJS, napag-alaman ng programa na nasa hustong edad na pala si Ral upang makipagrelasyon.

Pahayag pa ni Ral, "18 years old na po ako at mag-19 years old na po ako ngayong April 16."

Pangalawa sa apat na magkakapatid si Ral, pero higit daw na mas matangkad sa kaniya ang bunso nilang kapatid.

Simula nang tumuntong siya sa ika-anim na taong gulang, tumigil na raw doon ang kaniyang paglaki at mabagal na nag-develop ang iba pang hormones sa kaniyang katawan.

Madalas din daw siyang tuksuhin dahil sa kaniyang pagiging maliit at madalas pa siyang mapagkamalang nakababatang kapatid ng kaniyang mga naging nobya.

Nang ipasuri ng KMJS si Ral, dito na napag-alaman ang kaniyang kondisyon. Ayon sa isang doktor na si Dr. Philip Banas, isang halimbawa ng "stunting" ang nangyari kay Ral.

Bagamat walang ibang nakitang abnormalities kay Ral, kinakailangan niya pa ring isailalim sa maraming tests.

Para sa buong kuwento, panoorin ang video, DITO:

Sa mga nais tumulong, maaaring magdeposito sa:

Metrobank
San Pedro, Puerto Princesa, Palawan
Account Name: SHIRLEY BALIBAL LAGRADA
Account Number: 5763576079797

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang mga istorya sa Kapuso Mo, Jessica Soho na pumatok noong taong 2020: