
Good vibes ang hatid ni Gladys Reyes sa kanyang 'Singlahoop Challenge.'
Bukod sa pag-eehersisyo gamit ang hula hoop, sinabayan din ito ni Gladys ng kantahan.
Sa Instagram, makikitang habang naghu-hula hoop kasama ang kaibigang si Mamarhaye Dela Cruz sa harap ng ilog, kinakanta rin ni Gladys ang hit song ng The Bangles na "Manic Monday."
Bukod sa hatid na kasiyahan, nagbigay inspirasyon din ang aktres sa paghihikayat sa netizens na magpapawis.
"Padami nang padami at pataas nang pataas ang cases, 'di tayo pwedeng magpatalo. Pagkatapos manalangin, tulungan ibangon ang sarili, magpapawis.
"Singlahoop anytime... anywhere! This time, singlahoop at the river with my dear good friend [Mamarhaye Dela Cruz], who has seen me at my best and at my worst. Grateful to God, he gave me another genuine friend," pagbabahagi ng aktres.
Maraming netizens naman ang natuwa sa nakaaaliw na ehersisyong ito ni Gladys.
Samantala, patuloy na mapapanood si Gladys Reyes bilang si Rosa sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA.
Tingnan ang mga bida sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento' sa gallery na ito: