GMA Logo The Gifted Graduation
What's Hot

The Gifted Graduation: May virus na rin na kumakalat sa Gifted Class! | Week 2

By Beatrice Pinlac
Published January 18, 2022 9:51 AM PHT
Updated January 18, 2022 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

The Gifted Graduation


Bukod sa nakamamatay na virus, may makikilala rin silang traydor sa loob ng kanilang barkada.

Sa ikalawang linggo ng The Gifted: Graduation, halos hindi napigilan ni Jack na gamitin ang kaniyang kakayahan laban kay Time nang umatras ito sa misyon na hanapin at patayin ang jammer ng paaralan.

Nang makaharap naman ni Jack ang school director, isinulong niya ang kasunduan na dapat tanggalin ang mga batas na nagpapalaganap ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga mag-aaral kapalit ng audio file na napasakamay niya.

Matapos ang kanilang matagumpay na pangangampanya para maibalik ang Gifted Program, muli nang nagsama-sama ang gifted students sa iisang klase. Susubukan nilang mas kilalanin at paunlarin pa ang kani-kanilang mga kakayahan subalit kasabay nito, pipilitin din nilang tuklasin ang hangganan ng kanilang mga kapangyarihan.

Dinamayan ni Time si Grace na tila dinadamdam na hindi pa rin niya nadidiskubre ang kaniyang gifted abilities. Buong puso naman ipinaalala ni Time sa kaibigan ang mga nagawa nila sa tulong ng mga kakaibang ideya't pamamaraan ng paglutas ng problema ni Grace.


Samantala, napagbintangan si Jack na salarin ng pagnanakaw ng Nyx-88 bioweapon ni Ms. Darin. Natuklasan ng barkada na viral infection para lamang sa gifted students ang dinudulot ng Nyx-88 at isa-isa na silang naapektuhan ng virus maliban kay Grace.

Habang hinahanap nila ang lunas sa kanilang sakit, sama-sama rin nilang inalam kung sino sa kanila ang taksil na nagpakalat ng nakamamatay na bioweapon. Nagsimula nang magkawatak-watak muli ang grupo matapos mabuksan ang posibilidad na isa sa kanila ang traydor na nagpahamak sa lahat.

Napagtanto ni Paul na maaari nilang gamitin ang kakayahan ni Claire para matuklasan kung sino sa kanila ang nagpakawala ng virus ngunit kulang pa ang tiwala ng dalaga sa kaniyang sariling abilidad. Pinalakas naman ni Paul ang loob ni Claire nang ipaalala niya kung gaano kalaki ang naging pagbabago sa kaniyang kakayahan mula nong una nila itong nadiskubre.

Matapos makasagutan si Ken tungkol sa mga naging pagbabago sa kanilang pagkakaibigan, ibinunyag ni Claire na alam niyang si Ken ang nagpakalat ng virus. Humingi siya ng paliwanag o dahilan mula sa kaniyang kaibigan ngunit pilit lamang nitong ipinaglalaban ang kaniyang desisyon.

Nang makaharap na ni Ken ang iba pang gifted students, kinumpirma niya ang mga paratang laban sa kaniya at ipinakilala niya ang sarili bilang tunay na pinuno ng Anti-Gifted students.


Ngayon na alam na nila ang katotohanan tungkol kay Ken, magkaayos pa kaya sila o tuluyan na bang masisira ang kanilang pagkakaibigan?

Alamin sa award-winning Thai series na The Gifted: Graduation, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m. dito lamang sa GMA.