GMA Logo Garrett Bolden
Photo by: Garrett Bolden
What's Hot

Garrett Bolden shares how 'The Clash' changed his music career

By Aimee Anoc
Published January 19, 2022 4:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Garrett Bolden


"After 'The Clash,' doon na nabago 'yung life ko when it comes to pursuing my music career here in the Philippines." - Garrett Bolden

Matapos na mapabilang sa top 5 finalists ng The Clash Season 1, sunod-sunod na ang malalaking oportunidad na dumating sa buhay ni Garrett Bolden. Isa na rito ang pagpirma niya ng kontrata sa GMA Music noong 2018.

Ayon kay Garrett, malaki ang pasasalamat niya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Kapuso network.

Photo by: Garrett Bolden

"After The Clash, doon na nabago 'yung life ko when it comes to pursuing my music career here in the Philippines. Naging Kapuso ako and I was given a chance to really showcase my talent not only as a singer," pagbabahagi ni Garrett.

Noong 2021, ipinamalas na rin ni Garrett ang husay niya sa pagsusulat ng kanta nang ilabas ang ikatlo niyang single na "Our Love," na naging official theme song ng primetime series na I Left My Heart in Sorsogon.

"But now the network is believing in my songwriting capabilities na kahit ako ay inaaral ko pa talaga nang mabuti," dagdag niya.

Ngayong Enero, muli tayong paiibigin ni Garrett sa bago niyang kanta, ang "Pwede Pa Ba," na isinulat niya kasama sina Oyo Sombillo at Bryan Mangayan.

Mapapakinggan ang "Pwede Pa Ba" simula January 28 sa lahat ng digital music platforms.

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden sa gallery na ito: