GMA Logo Pia Guanio
Source: piaguanio_mago (Instagram)
What's Hot

Pia Guanio at bunsong anak, nagpositibo na rin sa COVID-19

By Jimboy Napoles
Published January 19, 2022 6:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ashfall disrupts Albay towns as Mayon unrest prompts evacuations, flight limits
Medical waste left strewn on road in New Bataan, Davao de Oro
Marina Summers is grateful to have hosted MUPH 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Pia Guanio


Kabilang na rin si Pia Guanio sa listahan ng mga celebrity na nagpositibo sa virus ngayong January 2022 surge.

Matapos magnegatibo sa COVID-19 ang asawa at anak ng TV host na si Pia Guanio na sina Steeve Mago at Scarlet, ibinahagi naman ngayon ni Pia sa kaniyang Instagram account na sila naman ng kanilang bunsong anak na si Soleil Brooklyn ang tinamaan ng virus.

Sa kaniyang post, ibinahagi ng celebrity mom ang larawan ng pamilya at ikinuwento ang kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Aniya, "Together in sickness and in health. A day after @steevemago and @iamscarletmago got cleared for Covid, my youngest and I tested positive."

Ayon pa kay Pia, bumubuti naman ang kanilang kondisyon at nagpapasalamat sa medical personnel na tumitingin sa kanila.

"But praise God that we are having it easy! And we got the best nurses who already know what to do to care for us," ani Pia.

Samantala, silipin naman sa gallery na ito ang mga celebrity na nagpositibo sa COVID-19 ngayong January 2022.