
Mapapanood muli ang panayam ni Jessica Soho kasama ang mga presidential aspirants na dumalo sa The Jessica Soho Presidential Interviews ngayong Sabado, January 29, 7:05 p.m., sa GTV.
Suriin ang mga pangako't platapormang inihanda nina Vice President Leni Robredo, Senator Panfilo “Ping” Lacson, Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno, at Senator Manny Pacquiao para sa bansa sa kanilang pagtakbo bilang susunod na pangulo ng Pilipinas.
Alamin din ang kanilang mga paninindigan tungkol sa mga mahahalagang isyu ng bayan tulad ng extrajudicial killings (EJK), same-sex marriage, divorce, political dynasties, at death penalty.
Hindi sumalang sa The Jessica Soho Presidential Interviews si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos nitong tanggihan ang imbitasyon sa dahilan na diumano'y “biased” daw ang multi-awarded broadcast journalist.
Pinabulaanan ng GMA Network ang mga paratang na ito sa pamamagitan ng isang statement na inilabas noong Sabado, January 22.
“Throughout her career, Ms. Soho has consistently been named the most trusted media personality in the Philippines by both local and foreign organizations, a testament to her embodying the GMA News and Public Affairs ethos: 'Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong Totoo Lamang,'" pahayag ng Kapuso Network.
Matapos umere ng programa, umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens at ilang mga kilalang personalidad. Silipin ang kanilang mga saloobin sa gallery na ito: