
Hanggang saan ang kaya mong gawin mailigtas lamang mula sa kapahamakan ang iyong kapatid?
Kilala si Jeremy (Royce Cabrera) bilang mapagmahal na kapatid at mabuting ihemplo sa kanilang komunidad. Kaya naman marami ang boto at sang-ayon sa pagtakbo niya sa susunod na eleksyon.
Pero isang aksidente ang magbabago sa buhay ni Jeremy at ng kapatid na si Issa (Althea Ablan). Gagawin nito ang lahat maibalik lamang ang dating pandinig ng kapatid kahit na pasukin pa ang pagiging isang cybersex worker.
Paano na lamang kung malaman ng lahat ang itinatagong sikreto ni Jeremy?
Makakasama rin nina Royce at Althea sa "Reputasyon" episode ng Wish Ko Lang sina Jelai Andres, Mark Herras, at Leandro Baldemor.
Huwag palampasin ang mapangahas at madamdaming mga tagpo sa "Reputasyon" episode ngayong Sabado, January 29, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso hunk Royce Cabrera sa gallery na ito: