GMA Logo Ruru Madrid in Sparkle
Photo source: @rurumadrid8
What's Hot

Ruru Madrid, kinilala ang mga inspirasyon niya sa kaniyang career

By Maine Aquino
Published January 28, 2022 10:48 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Authorities prepare for post-holiday travel rush in Pangasinan
Jackie Lou Blanco, ikinuwento na crush ni Ricky Davao noon si Snooky Serna
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid in Sparkle


Para kay Ruru Madrid, ang mga taong ito ang nagbibigay ng "sparkle" sa kaniyang showbiz career.

Inamin ni Ruru Madrid na ganado siyang harapin ang bawat proyektong ipinagkakatiwala sa kaniya dahil sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kaniya.

Ito ang isinagot ng isa sa next brightest stars of 2022 sa tanong na "What makes you Sparkle".

Photo source: @rurumadrid8

Ayon kay Ruru, dedicated siya sa kaniyang trabaho bilang aktor dahil maraming na-i-inspire sa mga ginagawa niya.

"For me it's all about the inspiration na nabibigay ko sa mga manonood o di kaya sa mga taong sumusuporta sa akin. Sa mga taong nagmamahal sa akin."

Dagdag pa ni Ruru, ito ay sinasabi sa kaniya ng fans kaya naman ipinapakita niya ang kaniyang best performance niya sa bawat proyekto.

"Everytime for example may makakasalubong ako sa mall dati, or everytime na may nagme-message sa akin na parang ako daw 'yung nagsisilbing inspirasyon nila sa kanilang mga pag-aaral para lalo nilang pagbutihin or para matupad nila yung kani-kanilang mga pangarap, sobrang nakakataba po ng puso.

"I guess, for me, 'yun 'yung nakakapagpakinang pa sa akin bilang isang artista dahil mas nagiging pursigido ako mas lumalabas 'yung fire, 'yung determination na kailangan ko everytime na nagtatrabaho ako."

Inamin ni Ruru na hindi madali ang kaniyang trabaho bilang isang aktor pero ginagawa niya ang lahat dahil sa mga naniniwala sa kaniyang kakayahan.

Saad ni Ruru, "Lagi kong sinasabi 'to, our work being artista is not easy but everytime na may nakikita akong tao na napapasaya ko, nanunumbalik po ang aking lakas at nawawala po ang pagod ko. For us, our goal is to entertain people, to inspire them. I guess 'yun po 'yung nakakapagpa-sparkle sa akin."

Dahil rito, nagpapasalamat si Ruru sa walang sawang suporta na natatanggap niya mula sa fans.

"Maraming maraming salamat po sa inyo."

Dugtong pa niya, "Patuloy niyo po akong suportahan at patuloy niyo po akong mahalin. Lagi niyo pong tatandaan, lahat po ng mga ginagawa ko sa buhay, lahat ng mga achievements ko in life, lahat po ay inaalay ko po 'yun para po sa inyo dahil gano'n ko po kayo kamahal."

Balikan ang sparkling achievements ni Ruru sa gallery na ito: