GMA Logo Rain Matienzo and Landamme Vivas
Source: rainmatienzo / landammevivas (Instagram)
What's Hot

'Tiktok Girl' Rain Matienzo nahanap na ang kanyang kapareha sa TikTok?

By Jimboy Napoles
Published January 28, 2022 11:30 AM PHT
Updated January 28, 2022 2:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Rain Matienzo and Landamme Vivas


Napanood niyo na ba "Trophy Wife POVs," ang nakakilig na duets nina Rain Matienzo at Landamme Vivas sa Tiktok?

Tila may namumuong bagong love team ngayon sa TikTok kasama ang Artikulo 247 star na si Rain Matienzo at isang TikTok content creator na si Luciano Vivas o mas kilala online bilang si Landamme Vivas.

Maraming netizens ang kinikilig sa kanilang short skits o TikTok duets bilang modern rich couple.

Nagsimula ito nang i-duet ni Rain ang video ni Landamme na kunwaring nasa isang sweet video call sila.

"POV: Video call ng trophy wife with her 7 digit earner hubby," caption ni Rain sa video.

@rainmatienzo #duet with @landamme ♬ original sound - ig:landammevivas

Pinusuan ng marami ang kanilang sweet conversation at umani rin ng positibong reaksyon mula sa netizens at maging sa ilang influencers gaya ng voice talent na si Inka Magnaye.

Dahil marami ang nag-demand ng kanilang skits, itinuloy pa ng dalawa ang paggawa ng duets na naka-engganyo rin ng iba pang fans.

@rainmatienzo #duet with @landamme ♬ original sound - ig:landammevivas

Sa katunayan, maraming TikTok fans na rin ang talagang inaabangan na raw sa kanilang tandem.

"Are you going to make this a series na coz [because] I'm so invested," kumento ng isang netizen.

Ang isang fan naman, ngayon na lang daw ulit kinilig pagkatapos ng Aldub ang phenomenal tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza noon.

Aniya, "ngayon na lang ulit ako kinilig since Aldub."

Parami nang parami ang nag-aabang sa kanilang nakakakilig na team up.

"Tee [Rain Matienzo] 'di pwede to, panindigan nyo kilig namin," mensahe ng isang fan.

Pinanindigan naman ng dalawa ang batuhan ng sweet conversation maging sa comment section ng kanilang videos.

Sundan at abangan kung saan mauuwi ang kilig team-up nina Rain at Landamme sa TIkTok.

@rainmatienzo #duet with @landamme ♬ Panalangin - Daniel Padilla

Samantala, abangan din si Rain sa upcoming GMA Afternoon series na Artikulo 247 kasama sina Rhian Ramos, Kris Bernal, Benjamin Alves, at Mark Herras.

Para naman mas makilala ang TikTok influencer at Kapuso talent na si Rain, tingnan ang gallery na ito: