
Ibinahagi ng aktres na si Eunice Lagusad sa kanyang latest Instagram post ang isang throwback at isang recent photo nila ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz.
Pagbabahagi ni Eunice, matapos ang labingwalong taon ay masaya siyang nakita niya muli ang iniidolo niyang aktor.
“Yung wala akong picture ng naka-in character pero importante may picture with Kuya JLC. Yung ngiti ko diyan! 'Di naman halatang fan mode ako. Haha,” ayon sa caption ng aktres.
Taong 2003 nang unang makatrabaho ni Eunice si John Lloyd sa isang Philippine teleserye.
At makalipas ang napakahabang panahon, muli silang nagkita para sa pinakabagong Kapuso sitcom na Happy ToGetHer.
Si John Lloyd ay kasalukuyang napapanood ngayon sa Happy ToGetHer bilang si Julian, ang gwapong mekaniko at proud single dad.
Makikilala naman ang karakter ni Eunice sa mga susunod pang tagpo sa naturang Kapuso sitcom.
Nakilala si Eunice Lagusad sa kanyang natatanging pagganap bilang batang “Charming” sa television drama series na Bakekang, na ipinalabas sa GMA Telebabad noong 2006.
Kadalasan din siyang napapanood sa ilang episode ng drama anthology show na Magpakailanman.
Samantala, alamin ang buhay ng Bakekang child stars na sina Eunice Lagusad at Krystal Reyes sa gallery na ito: