
Hanggang saan mo kayang patunayan ang iyong natatanging kapangyarihan?
Inihahandog ng GMA Network ang award-winning Chinese drama ng 2021 na humakot ng iba't ibang parangal at pagkilala sa Asya, ang Douluo Continent, na mapapanood na ngayong 2022.
Masusubaybayan sa telefantasyang ito ang kuwento ni Tang San (Xiao Zhan), ulila sa ina at hirap na mapatunayan ang sarili sa kanyang ama. Dahil dito, gagawa siya ng paraan upang masagot ang tanong tungkol sa kanyang pagkatao. Kasabay nito ang pagtuklas sa natatangi niyang kapangyarihan upang maging isang ganap na soul master o maestrong diwa.
Sa kanyang paglalakbay makikilala niya si Yu Xiao Gang (Calvin Chen), ang makatutulong sa kanya upang mailabas ang natatago niyang lakas at kapangyarihan.
Bukod kay Xiao Gang, makikilala rin ni Tang San si Xiao Wu (Wu Xuan Yi), na malaki ang magiging parte sa kanyang buhay. Si Xiao Wu ang makakasama niya sa pagpasok sa Shrek Academy, kung saan magsisimula ang matitinding laban na kailangan niyang haharapin at malagpasan.
Malaman kaya ni Tang San ang sikreto ng kanyang ina? Magawa kaya niyang maging isang pinakamapangyarihan na maestrong diwa?
Kilalanin sina, Wu Xuan Yi bilang si Xiao Wu, Gao Tai Yu bilang si Dai Mu Bai, Liu Mei Tong bilang si Zhu Zhu Qing, Liu Run Nan bilang Ou Si Ke, Ding Xiao Ying bilang si Ning Rong Rong, Calvin Chen bilang Yu Xiao Gang, at Xiao Zhan bilang si Tang San sa Douluo Continent, malapit na sa GMA!