GMA Logo Kristoffer and ACs wedding
Source: kristoffermartin_ (IG)
What's Hot

Kristoffer Martin, binalikan ang kanyang emosyonal na wedding with AC Banzon

By Aedrianne Acar
Published February 5, 2022 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Kristoffer and ACs wedding


Alamin ang ilang detalye ng civil wedding ng 'Pepito Manaloto' actor na si Kristoffer Martin sa ulat ni Lhar Santiago.

Bakas ang saya sa mukha ni Kristoffer Martin nang makapanayam ng 24 Oras tungkol sa intimate civil wedding ceremony nila ng kanyang partner na si AC Banzon.

Nangyari ang surprise wedding nito lamang February 3 sa Capas, Tarlac, kung saan nasaksihan din ito ng kanilang anak na si Precious Christine o tinatawag nilang si Pré.

Kuwento ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento actor kay Lhar Santiago na ipinagdasal nila ng kanyang misis ang kanilang pag-iisang dibdib.

Aniya, “Mas naging deeper kasi 'yung relationship namin kay Lord, parang lahat 'yun Tito Lhar, ginawa namin with the guidance of the Lord. Pinagpi-pray talaga din namin, kasi it's supposed to be November this year pero sabi namin, huwag na natin patagalin nandito na tayo.”

Aminado naman si Kristoffer na emosyonal siya sa kanilang civil wedding. Pagbabalik-tanaw niya, “Actually na-trigger siya, nandito kaya dahil parang purpose ito ni Lord. Nung nabanggit na 'yung Lord, dire-diretso na.”

Nakaka-touch din daw na makita na umiiyak din ang kanilang unica hija na si Pré.

Saad niya, “Habang inaano pala namin talagang umiiyak na ako, umiiyak din siya. Tapos proud pa siya, 'Daddy did you see me crying?' [Tanong ko], 'Why did you cry?"

Tugon naman ng bata, “'Because you're kissing mommy', Ha!”

Source: kristoffermartin_ (IG)

Iniisip din daw ng mag-asawa na magdaos ng big wedding sa darating na Nobyembre para makasama nila ang iba nilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Nagpaunlak din ng panayam ang misis ni Kristoffer na si AC Banzon sa 24 Oras at sinabi nito na mas “buo” sila as a couple.

Paliwanag ni Mrs. Martin, “Mas buo ngayon po Tito. Lahat po ng sinabi ni Kristoffer 'yun po talaga 'yung parang take away sa lahat ng nangyari and sa nararamdaman namin ngayon. Buo po talaga 'yung loob namin doon sa desisyon.”

Bukod sa kasal, may big change din sa buhay ni Kristoffer noong nakaraang taon nang ma-baptize siya bilang born-again Christian.

Silipin sa gallery na ito ang ibang celebrities na nagpalit ng relihiyon.