
Isa si Buboy Villar sa celebrities na talaga namang kinagigiliwan ng mga manonood dahil sa pagiging kuwela nito.
Pero sa mga sandaling kailangan na niyang maging seryoso, ay ipinagkait pa ito kanyang co-star na si Mike Nacua o mas kilala bilang si Pekto.
Sa latest video na in-upload ni Buboy sa kanyang Facebook account, mapapanood ang kanyang laughtrip moment habang nagpa-practice para sa isang song number.
Habang nasa dressing room, magre-rehearse sana si Buboy pero bigla nalang siyang natatawa at pinalala pa ito ng mga reaksyon at pagpapatawa ni Pekto.
Kapansin-pansin na habang nasa likod ni Buboy ang komedyante ay hindi niya masimulan ang inaaral niyang kanta.
Ilang beses na sinubukan ni Buboy na mapasadahan kahit ang chorus man lang ng kanta ngunit tila nabigo siyang makapag-rehearse ng maayos dahil sa patuloy na pagpapatawa ni Pekto.
Sabi ni Buboy kay Pekto, "Hindi pa nga ako umaabot doon sa chorus oh, hanggang sa duet."
Nang tumayo si Pekto at nag kunwaring aalis muna, naitawid ni Buboy ang ilang lyrics ng kanta ngunit kalaunan ay hindi na naman niya napigilang tumawa nang maramdamang nasa likod niya ang komedyante.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 780k views ang nakakatawang video ng mga aktor.
Matatandaang nagkasama sina Buboy at Pekto sa GMA drama romantic comedy series na Owe My Love noong 2021.
Samantala, kilalanin ang cute na cute na dalawang anak ni Buboy Villar sa kanyang former partner na si Angillyn Gorens sa gallery na ito: