GMA Logo Noreen Joyce Guerra
Courtesy: joyce_in_korea (IG)
What's Hot

Pinay, kabilang sa cast ng hit Netflix series na 'All of Us Are Dead'

By EJ Chua
Published February 6, 2022 10:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara Duterte: Let’s build a more compassionate PH
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Noreen Joyce Guerra


Alam n'yo bang isa pala sa mga estudyanteng napanood sa 'All of Us Are Dead' ay isang Pinay?

Kasunod ng mabilis na pagsikat ng Netflix Korean series na All of Us Are Dead, mas nakilala rin ang mga artistang napanood dito.

Sa dami ng characters sa nasabing zombie series, isang Pinay ang naging kabilang sa cast nito.

Siya ay si Noreen Joyce Guerra, isang international student sa Korea at nag pa-part time sa movie productions.

Sa isang interview, ibinahagi ni Noreen na siya ay napanood sa All of Us Are Dead bilang isa sa mga kaklase ni Yoo In-soo na gumanap naman bilang si Yoon Gwi-nam, ang isa sa mga bully sa Hyosan High School.

Makikita sa mga Instagram post ni Noreen ang ilang mga eksena sa sikat na zombie series kung saan ilang beses siyang nahagip ng camera.

A post shared by Noreen Joyce (@joyce_in_korea)

Pagbabahagi pa ng Pinay, halos dalawang taon na ang nakalipas mula nang i-shoot ang naturang series.

Bukod sa kanyang role sa palabas na ito, napanood na rin si Noreen Joyce sa iba pang Korean dramas.

Samantala, tingnan top 10 trending K-dramas na kinagiliwan ng mga Pinoy noong 2021 sa gallery na ito: