GMA Logo Princess Hours
What's Hot

Classic K-drama na 'Princess Hours,' mapapanood na sa GMA ngayong February 14

By Aimee Anoc
Published February 9, 2022 11:18 AM PHT
Updated February 14, 2022 1:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Clive Davis, towering music executive who fostered the careers of Bob Dylan, Whitney Houston, dies at 94
Olivia Rodrigo puts together a festival with an all-women lineup
Mister, sumakabilang bahay na, kinakatok pa rin ni misis! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Princess Hours


Posible kayang may mabuong pag-ibig sa pagitan ng isang cold na prinsipe at isang ordinaryong high school girl?

Simula February 14, mapapanood na sa GMA ang classic at well-loved Korean drama na Princess Hours.

Pinagbibidahan nina Coffee Prince at Lie To Me actress Yoon Eun-hye (Caitlyn), Ju Ji-hoon (Prince Shin), Kim Jeong-hoon (Prince Yul), at Jumong actress Song Ji-hyo (Bianca) ang top-rated series na ito.

Princess Hours

Simula nang magkasakit ang hari ng South Korean empire, agad na naghanap ang gobyerno nito ng mapapangasawa ni Prince Shin, ang itinakdang prinsipe.

Mahal man niya ang balerinang si Bianca, kailangang sundin ni Prince Shin ang kasunduan at pakasalan ang ordinaryong high school girl na si Caitlyn.

Princess Hours

May mabuo kayang pag-ibig sa pagitan ng isang cold na prinsipe at isang ordinaryong high school girl?

Abangan ang Princess Hours ngayong February 14, 5 p.m. sa GMA.

Samantala, tingnan ang top Korean entertainment stories noong 2021 sa gallery na ito: