
Kung may hiling si Royce Cabrera ngayong 2022, ito ay para mag-improve ang sarili at ang buhay ng mga tao sa kaniyang paligid.
Ayon sa Kapuso hunk actor, gusto niyang matapos na ang COVID-19 pandemic para makabalik na sa dati ang buhay ng lahat. Saad ni Royce sa Sarap, 'Di Ba?, "'Yung sa pandemic, sana matapos na."
Photo source: @royce.cabrera
Ang personal goal naman ni Royce ay i-improve ang kaniyang sarili.
Kuwento ni Royce, "Para sa akin, mas i-improve ko pa siguro 'yung, or i-explore ko pa siguro 'yung mga pwede ko pang gawin."
Dugtong pa ni Royce, nakikita niya ang 2022 bilang taon na magbibigay sa kanya ng pagkakataon na matuto para mas marami pang dumating na opportunities sa kanya.
"'Yung mga hindi ko nagawa nitong mga nakaraang taon, ngayon ko aaralin. Baka mas may chance ako doon or may opportunity para sa akin."
Si Royce ay kinilala kamakailan lang bilang best supporting actor sa 2021 TAG Awards Chicago para sa BL series B X J Forever.
Samantala, tingnan ang ilang fun facts tungkol kay Royce sa gallery na ito: