GMA Logo Celine Fajardo
What's Hot

Celine Fajardo, muling bumida sa isang commercial

By EJ Chua
Published February 10, 2022 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

YEARENDER: Flood control cases, complaints, referrals filed in 2025
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Celine Fajardo


Karakter ni Celine Fajardo sa bagong online Valentine commercial series, muling kinakiligan!

Napanood niyo na ba ang pinakabagong commercial kung saan muling bumida ang isa sa Sparkle talents na si Celine Fajardo?

Muling ipinamalas ni Celine ang kanyang husay sa pag-arte sa pinakabagong Valentine commercial series na mapapanood ngayon sa social media.

Sa mahigit apat na minutong video, mapapanood si Celine bilang si Mina, ang girlfriend ni Carlos Galano na gumanap naman bilang si Brian.

Celine Fajardo

Ang bagong Jollibee commercial na ito ay pinamagatang “600 Days,” ang karugtong na kuwento ng naunang episode na pinamagatang “LDR” na ipinalabas sa social media noong February 2021.

Matatandaang sa unang episode nito ay ginampanan din ni Celine ang karakter ng isang girlfriend na nasanay na palagi niyang kasama ang kanyang kasintahan.

Umikot ang kuwento ng naturang commercial sa buhay ng magkasintahang sina Mina at Brian na sinubok ng matinding sitwasyon habang sila ay malayo sa isa't isa.

Bigla na lamang nasubok ang relasyon nila nang ipinatupad na ang lockdown at quarantine protocols dahil sa mabilis na pagkalat ng isang virus.

Sa kalagitnaan naman ng video, mapapanood kung paano nila napagtagumpayan ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan.

Celine Fajardo

Mula nang ipinalabas ito sa social media, lubos na minahal ng mga Pinoy ang kuwentong pag-ibig nina Mina at Brian na hango sa isang real-life story.

Sa kasalukuyan, ang Valentine commercial series na “LDR” ay mayroon nang mahigit 10.5 million views sa YouTube.

Ang bagong episode naman nito ay mayroon nang mahigit 900,000 views mula nang i-upload ito sa YouTube kahapon, February 9.

Ilang netizens naman ang muling kinilig sa natatanging pagganap ng Sparkle beauty na si Celine at ng aktor na si Carlos sa kanilang mga karakter sa naturang series.

Ang hit Valentine commercial series na ito ay idinirek ng mahusay na direktor na si Antoinette Jadaone.

Samantala, kilalanin ang Sparkle's next brightest stars ngayong 2022 sa gallery na ito: